Puno ng pangarap, dinala rin nila ang kanilang pamilya sa Amerika.
Sa isang iglap ay gumuho rin ito, nang sabihin sa kanila ng mga opisyal ng Prince George County School na hindi na ire-renew ang visas ng mga gurong nasa "non-critical positions" tulad ng elementary education, music, at language .
Kakulangan naman ng budget ang idinahilan sa desisyon.
Ang paniwala ng mga gurong Pinoy: diskriminasyon ang dahilan ng pagkasibak.
Sabi ni Arnedo Valera ng Migrant Heritage Commission, "Meron prima facie evidence dito ng discrimination against international teachers because wala silang objective criteria and standard to lay off their personnel."
"Masakit, kasi dumating kami dito, nag-promise ang school na 'We will take care of you,'" sabi pa ng isa sa mga nasibak na guro.
Nasa panganib din ang trabaho ng iba pang Pilipinong guro sa ibang estado ng Amerika.
Ayon kay Bing Cardenas Branigin ng Asia America Initiative, "Wala na kasing pera ang gobyerno so ibang state... Maryland ito, maaring tamaan 'yong sa Texas din, sa California, mga hired teachers natin."
Tinututukan naman ng Overseas Workers Welfare Association o OWWA ang sitwasyon ng mga Pinoy na guro sa Amerika.